Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Miyerkules, Nobyembre 8, na 73.65% o 2,974 sa 4,038 examinees ang nakapasa sa November 2023 Pharmacists Licensure Examination.

Sa inilabas na resulta ng PRC, kinilala si Justine Kaye Fajardo Gajo mula sa Centro Escolar University (CEU) - Manila bilang topnotcher matapos siyang makakuha ng 93.25% score.

Hinirang naman ang St. Louis University bilang top performing school matapos itong makakuha ng 96.84% overall passing rate.

Isinagawa umano ang naturang pagsusulit mula Nobyembre 2 hanggang 3, 2023 sa mga testing center sa National Capital Region (NCR), Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga.
Metro

Mayor Lacuna, hinikayat 'fur parents' na pabakunahan kanilang 'fur babies' sa vaccination program ng Maynila