Naharang ng Bureau of Customs (BOC) ang 15 na 40-footer container van, lulan ang mga puslit na agricultural products sa Port of Subic kamakailan.

Sa pahayag ng BOC, misdeclared ang kargamento matapos ideklara bilang lobster balls at frozen Surimi crab.

Nang isailalim sa physical examination, natuklasang naglalaman ang mga ito ng mga sariwang gulay, katulad ng kamatis, carrots at broccoli.

National

143 Pinoy, pinagkalooban ng pardon ng UAE – PBBM

"The seized misdeclared agricultural products will be subjected to seizure and forfeiture proceedings for violation of Section 1113 in relation to Section 117 of the CMTA and DA A.O. No. 09 Series of 2010, and DA A.O. No. 18 Series of 2000," anang BOC.