Kontrolado na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang naganap na chemical spill sa Bauan, Batangas kamakailan.

Sa report ng Coast Guard, nasa 53 pamilya ang inilikas sa naganap na insidente sa Barangay San Miguel nitong Sabado.

Sa hiwalay na panayam, sinabi naman ni Office of Civil Defense (OCD) Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, pinauwi ang mga nailikas na residente matapos ang cleanup operations sa dalampasigan.

"The recent chemical spill in Batangas is now under control, and all evacuees have safely returned to their homes. Immediate containment and cleanup operations were conducted along the affected shoreline. According to reports, the chemical has naturally dissipated," pahayag ni Nepomuceno.

National

Taga-Maynila, winner ng ₱107.8M sa Lotto 6/42

Nag-ugat ang insidente nang tumagas ang dalawang drum ng mapanganib na Naphtha solvent na ginagamit na pandagdag sa pintura at thinner products matapos lumuwag ang drain plug ng storage tank ng kalapit na pasilidad.

Apektado rin ng insidente ang 6,000 square meter na naging dahilan ng insidente ng fish kill sa lugar. 

 

 

May dagdag na ulat ng PNA