
(Manila Bulletin File Photo)
Alaala ng 'Yolanda' 'di mabubura -- Marcos
Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa mga taga-Tacloban City, Leyte na huwag kalimutan ang mga naging biktima ng Super Typhoon Yolanda, lalo na sa mga nasawi at nawawala.
Sa kanyang talumpati sa paggunita ng ika-10 anibersaryo ng pagtama ng bagyo sa lalawigan, binanggit ng Pangulo na kahit isang dekada na ang nakararaan ay hindi pa rin mabubura ang alaala nito sa bawat isa.
“The devastation we suffered included over 6,000 lives lost, over 28,000 injured, over a thousand missing, and over 3 million families affected. And to this day, we still do not know the true scope of our loss because we grieve and we mourn our dead,” ani Marcos.
“But we must always keep a special place in our hearts for those who we lost, who are uncounted for … So, even if that is the case, let them not be unremembered. So when we grieve and mourn for our dead, keep a special place in your heart for those who have not been known to have gone but we know in our hearts, we know the loss that we feel. Let us always pray for them,” aniya.
Pinangunahan din ni Marcos ang pag-aalay ng bulaklak sa Yolanda Memorial Monument at pamamahagi ng titulo ng lupa sa mga nakaligtas sa nasabing bagyo.