Pinalagan ni Megastar Sharon Cuneta ang mga basher na pumuputakti sa pamilya niya kasabay ng pagbati niya sa kaarawan ng kaniyang anak na si Miguel Pangilinan.

Mababsa sa Instagram post ni Sharon nitong Lunes ang isang mahabang pahayag kalakip ang larawan ng kaniyang pamilya.

“Kahit may Cebu concert pa sa 17th, back to reality muna kayo mga anak!😂 My son Miguel celebrated his 14th birthday with us on Oct.29! A simple dinner at the place he wanted to go to. Missed our Kakie and KC but I am happy to have been able to be with my family between the MOA Arena and Okada Manila shows!” saad ni Sharon.

Kaya sabi niya: “To avoid risking all four of my children’s feelings being targeted by trolls, even on their birthdays I will give them all my loving messages not on social media na but in personal notes na lang.”

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Nakiusap rin siya sa mga taong nasisiyahan sa pananakit sa pamilya niya: “Please, tama na. Nananahimik kaming lahat and they don’t deserve any negativity. Thank you.”

“Happy birthday my Gugie. I love you very much,” sabi pa ng aktres sa anak.

Sa kaniyang pahabol-sulat, inamin ni Sharon na hindi umano niya magagawa ang reunion concert nila ng dati niyang asawang si Gabby Concepcion kung hindi dahil sa pagpayag ng kasalukuyan niyang asawang si dating senador Francisco “Kiko” Pangilinan at ng mga anak niya rito.

Sa katunayan, todo-yakap pa nga si Kiko kay Sharon matapos ang concert nito kasama ang dating asawa.

MAKI-BALITA: ‘Family reunion?’ Sharon, KC, Gabby nagsama sa iisang stage

MAKI-BALITA: Kiko todo-yakap kay Shawie matapos ang concert nila ni Gabby

Dagdag pa ni Sharon, tanggap na umano niya habang-buhay na hati ang katawan niya dahil dalawa ang pamilya niya. 

“Pero ako ang nahihiya sa mga anak ko kasi nadadamay sila just because I am their mommy…it hurts me. And pls i am not a ‘mamananggal!’ Please, kindly stop making my kids sabong or pinagaaway di naman sila mga manok. Ngek. Peace na please. Pis b widju en olso wid us.🤗)❤️” saad pa ng Megastar.

Matatandaang nauna nang ipahiwatig nina Sharon at Gabbi ang kanilang “pagbabalikan” noong Hulyo.

MAKI-BALITA: Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, ‘magkakabalikan’