Nasa 46.77% o 644 sa 1,377 examinees ang pumasa sa October 2023 Geodetic Engineer Licensure Examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Lunes, Nobyembre 6.

Sa inilabas na resulta ng PRC, nakakuha ng highest score na may average na 89.60% si Joshua Carl Mari Jocoy Fajardo mula sa University of Southeastern Philippines – Davao City.

Hinirang naman ang University of the Philippines – Diliman bilang top performing school matapos itong makakuha ng 100% overall passing rate.

Isinagawa umano ang naturang pagsusulit mula Oktubre 25 hanggang 26, 2023 sa mga testing center sa National Capital Region (NCR), Baguio, Butuan, Cebu, Davao, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga.

Ilang LGUs naglabas na ng guidelines para sa Undas 2024