Ikinuwento ng TV host-actress na si Toni Gonzaga ang pagkakasakit niya sa latest episode ng kaniyang vlog nitong Linggo, Nobyembre 5.

Bago tuluyang pag-usapan ang tungkol sa miscarriage ng kapatid niyang si Alex Gonzaga, kinulit muna siya nito na pag-usapan ang bigla niyang pamamayat.

MAKI-BALITA: Alex Gonzaga, muling nakunan

“Hindi mo nga shine-share ‘yun. Maganda nga ‘yun i-share mo. I-share mo. Ano bang nangyari doon sa ‘yo?” tanong ni Alex.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Noong 2020, hindi ko alam kaya pala sumobra din ‘yung–”

“Sobra ka noong payat!” biglang agaw ni Alex.

“Naaalala ko ‘yung kumakain kami, nagdi-dinner kami ta’s ‘yung mga friends namin natatawa na sila. ‘Hoy! ‘Yung mask mo, bumabagsak na sa mukha mo’,” kuwento ni Toni.

Ayon pa kay Alex, napuna rin umano ang pamamayat ng kapatid niya noong minsan itong mag-guest sa noontime show ng TV5 na  “Lunch Out Loud”.

Pero tuwang-tuwa pa umano noon si Toni samantalang si Alex ay naiinggit pa dahil tila maganda at bagay naman sa ate niya ang ganoong katawan.

“Naalala mo noong nag-ano tayo, nag-Bangkok? Sobra kain ko noon. Ta’s the next day di ba sabi mo, umamin ka na ba’t sobrang flat ng tiyan mo?” ani Toni.

“Oo, feel na feel mo ‘yun pala may sakit ka,” natatawang sabi ni Alex.

May isa pa umanong pagkakataon na bigla umanong nag-palpitate si Toni noong sila ay nasa Dubai Mall. Inakala pa raw ni Alex na nag-iinarte lang ang ate niya.

“Ano bang nangyayari dito? Baka naman nag-iinarte na lang itong ate. Tapos ‘yun pala may hyperthyroid,” saad pa ni Alex.

At ayon kay Toni, iyon daw ang rason kung bakit hindi muna siya nabuntis sa loob ng tatlong taon. Ngunit ngayon, may dalawa na siyang anak sa direktor na si Paul Soriano.

MAKI-BALITA: Toni Gonzaga, isinilang na ang second child nila ni Paul Soriano