Isiniwalat ng beteranang aktres na si Snooky Serna ang hindi niya makalilimutang karanasan kay “Diamond Star” Maricel Soriano sa kaniyang vlog nitong Linggo, Nobyembre 6.

Ang ginawa kasing pakulo ni Snooky sa vlog niya ay bubunot siya ng mga tanong na nakalagay sa platito pagkatapos ay sasagutin ang mga iyon.

Isa nga sa kaniyang mga nabunot na tanong ay kung ano raw ang hindi niya makakalimutang karanasan kay Maricel.

“Tinarayan ako,” sabi ni Snooky.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Pero ang hindi ko talaga makakalimutan sa kaniya e noong kinausap niya ako nang dalawang oras sa telepono at minura niya ako,” dagdag pa niya.

May mga pinagdadaanan daw kasi siya noong mga panahong ‘yun. Inamin din niya sa sarili na may mga mali rin siyang desisyon.

“Si Maricel Soriano ang aking naging konsensya,” saad ng aktres.

Matatandaang kamakailan lang ay inabangan ng madla ang tapatan nina Snooky at Maricel sa teleseryeng “Pira-pirasong Paraiso” na collaboration project ng ABS-CBN at TV5.

MAKI-BALITA: ‘Sinong unang mayayanig sa sampal?’ Tapatang Snooky, Maricel inaabangan

Ang kaso nga lang, maagang umexit si Maricel sa nasabing serye.

MAKI-BALITA: Kapapasok lang: Maricel Soriano tsugi na agad sa serye