Nagpahayag ng pasasalamat si San Miguel Beer center June Mar Fajardo sa kaniyang nakamit na ika-pitong most valuable player (MVP) award sa Philippine Basketball Association (PBA).

Sa kaniyang Instagram post nitong Lunes, Nobyembre 6, nagbahagi si Fajardo ng ilang mga larawan ng paggawad sa kaniya ng kaniyang MVP award sa opening ng PBA Season 48 nitong Linggo ng gabi, Nobyembre 5.

“Thank you all so much!!❤️🥹,” ani Fajardo sa kaniyang post.

Nagpaabot naman ng pagbati ang mga kapwa niya basketbolista.

Ika-7 PBA MVP award, nasungkit ni Fajardo

“Sa 7 na MVP, napagod ka na mag caption, abai!! The 🐐🐐🐐 🙌🙌🙌🙌,” ani Kiefer Ravena sa comment section.

“Congrats JunMar 👏👏,” saad naman ni Jayson Castro.

“Congrats Bulbol! Sabi ko sa iyo madami pa yan,” pagbati ni Arwind Santos.

“Congratulations bai!🙏🏻,” komento rin ni Alex Cabagnot.

Nasungkit ni Fajardo ang kaniyang ika-pitong MVP award matapos umano siyang makakuha ng 2,248 statistical points (SPs).

Sa kaniyang pagtanggap ng tropeo, sinabi ni Fajardo na inaalay niya ang kaniyang karangalan sa kaniyang ina na pumanaw noong nakaraang 2021.

Matatandaang kamakailan lamang ay nagpaabot ng nakaaantig na mensahe si Fajardo para sa kaniyang ina makaraang inalay rin niya rito ang kaniyang Asian Games gold medal.

https://balita.net.ph/2023/10/15/june-mar-fajardo-inalay-kaniyang-asian-games-gold-sa-yumaong-ina/