Nasungkit muli ng award si San Miguel Beer center June Mar Fajardo matapos tanghaling most valuable player (MVP) sa opening ng PBA Season 48 sa Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City nitong Linggo ng gabi.

Ito na ang ika-7 award ni Fajardo kung saan nasapawasan nito si Ginebra point guard Scottie Thompson.

Si Thompson ay hinirang na MVP nitong 2022.

Nakuha ni Fajardo ang 2,248 statistical points (SPs) mula sa boto ng mga manlalaro at media.

Nasa ikatlo lamang si Thompson (1,539 SPs) na na naungusan ng teammate na si Christian Standhardinger sa naipong 1,559 SPs.

Politics

SILG Remulla, tiniyak na walang special treatment kay Curlee Discaya

Matatandaang naiuwi ni Fajardo ang anim na MVP award mula 2014 hanggang 2019, tampok ang isang kampeonato ng kanyang koponan.