Kinakiligan ng mga netizen ang subtle na pagbati ni Julia Montes ng "Happy Birthday" sa kaniyang rumored boyfriend na si Coco Martin, na makikita sa kaniyang Instagram post noong All Souls' Day.

Sa nabanggit na Instagram post, makikita ang video clip ni Coco habang todo-ngiti ito sa may hawak ng camera, na walang iba kundi si Julia. Mukhang kuha ito mula sa "Dear Heart" concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion noong Oktubre 27.

Nagdiwang ng 42nd birthday si Coco noong Nobyembre 1, 1981.

Ang isa naman ay larawan kung saan makikitang nakaupo si Coco sa isang hapag-kainan. Mukhang pagdiriwang ito ng kaniyang kaarawan.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Ang caption ni Julia rito ay tatlong emojis lang na "😁🎂❤️."

Binaha naman ito ng mga nakakikilig na komento mula sa mga kapwa celebrity gaya nina Shaina Magdayao, DJ Chacha, Agot Isidro, at iba pa.

Nagpaabot din ng pagbati ang mga netizen sa kaniya.

Matatandaang hanggang ngayon ay hindi pa rin kinukumpirma ng dalawa ang real score sa pagitan nila, subali obvious namang special sila sa isa't isa.

Sabi nga, "What you see is what you get!"