Inilunsad na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang Cash and Rice Assistance Distribution(CARD) program sa Metro Manila at Laguna nitong Linggo.

Aabot sa 300,000 paunang benepisyaryo ang inaasahang makatatanggap ng ayuda sa tulong na rin ng House of Representatives.

Nasa 33 legislative district ng National Capital Region (NCR) at dalawang lungsod ng Laguna ang unang makikinabang sa naturang programa.

Sa ilalim ng programa, ipamamahagi ang ayuda sa pamamagitan ng apat na payout kung saan makatatanggap ng P2,000 cash at 25-kilogram ng bigas ang bawat benepisyaryo.

National

PBBM, may napipisil nang kapalit ni Abalos bilang kalihim ng DILG

 

PNA