Kinikilig na ipinagmalaki sa social media ng social media personality na si Viy Cortez ang maskuladong katawan ng partner na si "Cong TV" na kaniya umanong mapapangasawa.

Sa kaniyang Instagram post, makikita ang topless na larawan ni Cong na talaga namang punumpuno ng dedikasyon sa kaniyang weight loss journey.

"Gusto ko lang iflex mapapangasawa ko 🫣😁," caption ni Viy sa kaniyang post.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

View this post on Instagram

A post shared by Viycortez (@viycortez)

Umani naman ito ng positibong reaksiyon at komento mula sa netizens. May nagsabing baka masundan na si Baby Kidlat, ang kanilang anak. May sumaway pa kay Viy na baka tumutulo na raw laway niya.

"Gumuguwapo ang asawa mo Miss Viy!"

"Second baby is coming!"

"Yung laway mo madam @viycortez baka tumutulo na 🤭🤣."

"Solid transformation!"

Matatandaang hindi ito ang unang beses na flinex ni Viy ang fitness journey ng kaniyang partner, na nagpamangha naman sa fans, supporters, at netizens.

MAKI-BALITA: Viy Cortez, ‘natakam’ sa body transformation ni Cong: ‘Sarap mo!’

Well, si Viy rin naman ay hindi papakabog kay Cong dahil sa laki na rin ng ipinayat mula sa postpartum body.

View this post on Instagram

A post shared by Viycortez (@viycortez)