Ibinahagi ni TV host, actor, at dating Quezon City councilor Roderick Paulate na magandang ideya umano kung magsasama sila ni “Unkabogable Star” Vice Ganda sa isang proyekto.

Sa panayam ni showbiz columnist Ogie Diaz nitong Sabado, Nobyembre 4 sa kaniyang vlog na "">Ogie Diaz Inspires," tinanong niya si Roderick kung kailan umano sila mapapanood ni Vice Ganda sa big screen.

“Maganda rin ‘yan. Hindi natin maiiwasan, Ogie, na mapag-usapan pa rin ako kahit sa pelikula ni Vice. Hindi mo mawawala ‘yung comparison,” sagot ni Roderick.

Sa katunayan, naikumpara din umano siya maski sa “King of Comedy” na si Dolphy noong araw.

Eleksyon

Ben Tulfo sa pagtakbo rin niya bilang senador: ‘This is another Tulfo’

Dagdag pa niya: “Minsan sinasabi nila na iba daw ‘yung style ni Vice, iba rin ‘yung style ko. Ang sagot ko doon, ‘Dapat lang and oo naman. Hindi pwedeng pareho.'”

Mahalaga rin umanong maunawaan na panahon ito ni Vice kaya tinatangkilik ng mga tao ang kaniyang estilo. At isang magandang ideya raw na pagsamahin ang estilo nito at estilo niya.

“Puwede rin naman akong mag-adapt sa style ngayon. Maganda. Sana kung may makaisip nang ganoon,” sabi pa ni Roderick.

Matatandaang si Roderick ay bumida sa pelikulang “Petrang Kabayo” noong 1980s. Ni-remake ni Direk Wenn V. Deramas ang nasabing pelikula noong 2010 na naging unang film project naman ni Vice kung saan siya sumikat nang husto.

Sa kasalukuyan, wala pang anomang tugon, reaksiyon, o pahayag si Vice hinggil sa posibilidad na ito.