Napa-wow ang mga netizen sa latest Instagram post ni "Outstanding Asian Star" at Kapamilya Star Kathryn Bernardo matapos niyang i-flex ang kaniyang kaseksihan habang makikita sa kaniyang background ang isang falls.

"One with nature," aniya sa caption.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

View this post on Instagram

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)

Kapansin-pansin umano sa award-winning actress ang kaniyang abs na talaga namang pinaghirapan niya.

Ilan sa mga celebrity na nagkomento rito ay sina Melai Cantiveros, Bernadette Sembrano, Miles Ocampo, Alora Sasam, at kaibigang si Julia Montes.

Siyempre, pati ang netizens ay napa-vavavoom sa sweetheart ni Daniel Padilla.

"Uy parang nagsisi ako kumain ng breakfast. HAHAHAHAH."

"Sana mag-sale ng abs sa 11/11."

"Sarap i-bash nung abs..."

"Oh... That bod!"

Well, unti-unti na talagang niyayakap ni Kathryn ang pagbabago sa kaniyang imahe, na recently nga ay applauded sa kaniyang "A Very Good Girl" movie kasama si Dolly De Leon.

Baka nga raw si Dolly pa ang maging "tulay" ni Kathryn upang makatuntong at mapansin naman sa Hollywood.

MAKI-BALITA: Dolly, tulay ni Kathryn papuntang Hollywood?

Kapansin-pansin daw kasi ang biglang pagbabago sa porma at postura ni Kathryn matapos ang nasabing pelikula nila ni Dolly. Tila may pinaghahandaan itong isang mas malaking proyekto.