Nasa 176 pa na pagyanig ang naramdaman sa Bulkang Mayon.

Sa anunsyo ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang naturang volcanic earthquakes ay naitala sa nakaraang 24 oras.

Nagkaroon din ng 123 rockfall events sa palibot ng bulkan na sinundan ng pagragasa ng lava na umabot hanggang 3.4 kilometro sa bahagi ng Bonga Gully.

Apektado rin ng lava flow ang Mi-isi Gully at Basud Gully.

National

PBBM, may napipisil nang kapalit ni Abalos bilang kalihim ng DILG

Nagbuga rin ng 1,084 toneladang sulfur dioxide ang bulkan nitong Nobyembre 4.

Binalaan pa rin ng Phivolcs ang publiko dahil ipinagbabawal pa ring pumasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone ng bulkan dahil sa nakaambang pagputok nito.