Naaawa na naman umano si showbiz columnist Ogie Diaz sa aktor na si Dennis Padilla sa isang episode ng “Showbiz Updates” noong Huwebes, Nobyembre 2.

Binati kasi kamakailan ni Dennis ang stepdaughter niyang si Dani Barretto para sa kaarawan nito at naitanong ni Ogie kung nagreply umano ito sa kaniyang mensahe pero hindi pa rin daw.

Matatandaang ilang beses nang dinededma si Dennis ng mga anak nito sa dating asawang si Marjorie Barretto sa tuwing babati siya sa mga ito sa mahahalagang okasyon gaya ng kaarawan.

MAKI-BALITA:  Dennis Padilla, umasa pa lang mababati man lang ng mga anak kamakailan: ‘Total Pasko naman’ – Balita

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

MAKI- BALITA: Dennis Padilla, muling binati ang mga anak nitong Bagong Taon; mga Barretto, dedma muli

MAKI-BALITA:  Dinedma pa rin: Dennis Padilla, binati online ang mga anak ngayong Pasko – Balita

Kaya ang tanong tuloy ni Oige: “Itinakwil na ba nila si Dennis bilang ama tatay?”

“Baka naman, ‘Nay, isang araw. Someday, one day,” sabi naman ni Mama Loi.

Pero sabi ni Ogie, sana mahintay pa umano iyon ni Dennis habang malakas pa ito lalo na’t wala namang katiyakan ang buhay sa mundo.

Tatay din daw kasi si Ogie kaya iniiwasan niyang mangyari ang ganoon sa kaniya at sa mga anak niya.

“Isang araw siguro, magigising na lang ‘yung mga bata na, o, kailangan na natin talagang kausapin si Daddy. O si Papa, di ba. After all, lumalaki na tayo, e,” saad pa ni Ogie.

Matatandaang nagkasagutan pa si Dennis at ang anak niyang si Leon matapos magtampo ng aktor sa mga anak dahil sa pandededma ng mga ito noong nakaraang Father’s Day”.

MAKI-BALITA: Dennis Padilla, nagtampo kina Julia, Leon, at Claudia dahil hindi siya binati noong Father’s Day? – Balita

MAKI-BALITA: Leon sa amang si Dennis: ‘Is public sympathy really more important than your own children?’ – Balita

Pero agad din namang humingi ng tawad si Dennis at sinabing nami-miss lang umano nito ang mga anak.

MAKI-BALITA:  Dennis, nag-sorry kay Leon; naglabas din ng open letter: ‘Miss ko lang kayo!’