Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Eastern Samar nitong Biyernes ng umaga, Nobyembre 3, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 11:26 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 56 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hernani, Eastern Samar, na may lalim na 1 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

VP Sara, nagpunta sa DOJ para sa imbestigasyon ng ‘kill remark’ niya kina PBBM

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.