Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos yanigin ng magnitude 6.1 na lindol ang baybayin ng Eastern Samar nitong Huwebes ng hapon, Nobyembre 2.

“No destructive tsunami threat exists based on available data. This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” pahayag ng Phivolcs.

Dahil dito, wala umanong aksyon na kinakailangang gawin kaugnay ng lindol.

Nauna nang inihayag ng Phivolcs na yumanig ang naturang magnitude 6.1 na lindol dakong 2:50 ng hapon.

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Namataan ang epicenter nito 51 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hernani, Eastern Samar, na may lalim na 48 kilometro.