Tampok sina Megastar Sharon Cuneta at dati niyang asawang si Gabby Concepcion sa usapan nina Cristy Fermin, Wendell Alvarez, at Romel Chika sa isang episode ng “Showbiz Now Na” nitong Martes, Oktubre 31.

Matatandaan kasi na katatapos lang ng reunion concert nina Sharon at Gabby na pinamagatang “Dear Heart”. 

MAKI-BALITA: ‘Family reunion?’ Sharon, KC, Gabby nagsama sa iisang stage

Hindi naman naiwasang mahagip sa usapan ang pamilya ni Sharon na si dating Senador Francisco “Kiko” Pangilinan at tatlong anak nito rito.

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

“Ano sa palagay mo ang naramdaman nila noong makita na nila ang pagbubunyi ng buong bayan sa kanilang mommy na ang kasama ay si Gabby?” tanong ni Cristy kay Romel.

“Siyempre, hati rin ang emosyon nila. Unang-una, natutuwa sila dahil ang kanilang ina ay namamayagpag pa rin…Pero ang pangalawa, sa pamamayagpag ng kanilang ina, nalulungkot siyempre. Ikaw naman–”

“Parang naiwanan sa biyahe ‘yung tatay [Kiko Pangilinan],” agaw ni Cristy sa nagsasalitang si Romel.

Ayon naman kay Wendell, naitanong niya raw bigla sa sarili kung darating kaya ang mag-aama. Pero agad namang ipinaalala sa kaniya ni Cristy na noong una pa lang umano ay nagsabi na ang mga ito na hindi sila pupunta.

“Na dapat lang. Na pinakamagandang desisyon po ‘yan. Magiging mas malaking insulto para sa kanila ang marinig ang pagpapalakpakan, pag-iiyakan, paghihiyawan, na ang pinagbubunyi ay hindi sila kundi si Gabby,” paliwanag ni Cristy.

Pero ano’t anoman, ang mahalaga, pagkatapos ng nakakapagod na trabaho, kay Kiko pa rin uuwi’t uuwi si Sharon.

MAKI-BALITA: Kiko todo-yakap kay Shawie matapos ang concert nila ni Gabby