Halos 3.8 milyong mahihirap ang natulungan na ng pamahalaan, ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Romel Lopez nitong Martes, Oktubre 31.

Paliwanag ng opisyal, tumanggap ng iba't ibang uri ng tulong ng DSWD ang aabot sa 3,799,979 indibidwal mula sa iba't ibang rehiyon simula Enero hanggang Setyembre 2023.

Natulungan aniya ng gobyerno ang mga natukoy na indibidwal sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng ahensya.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Ang mga ito aniya ay nakinabang sa educational, medical, transportation, burial at food assistance sa ilalim ng programa.

“The AICS program has been instrumental in extending different types of support to individuals and families who are experiencing various forms of crises," dagdag pa ng opisyal. 

Kaugnay nito, nagtayo na ang DSWD ng karagdagang AICS processing areas sa Caloocan City, Parañaque City, Pasig City, San Jose del Monte sa Bulacan at Montalban sa Rizal upang hindi na mahirapan ang mga humihingi ng tulong sa ahensya.