Kung magkakaroon daw ng "Gen Z version" ang iconic characters na sina Darna at Valentina, puwedeng-puwede raw gumanap dito ang Kapamilya stars na sina Belle Mariano at Andrea Brillantes.

Napa-wow kasi ang mga netizen sa Halloween costume na isinuot ni Belle bilang si "Darna" para sa "Shake, Rattle and Ball" at si Andrea naman bilang si "Lilith, the first wife of Adam" na may hawak pang dilaw na sawa nang dumalo ito sa mythology-themed "Opulence Ball" nitong Oktubre 31.

Kasama pa ni Belle ang kaniyang katambal na si Donny Pangilinan na nakasuot naman ng "Captain Barbell" costume.

Sa isang Kapamilya fan-based page, shini-ship na kung magkakaroon daw ulit ng Darna remake, baka raw puwedeng gumanap dito sina Belle at Andrea dahil kering-keri daw nilang dalhin ang kani-kanilang mga costume.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

https://

Batay naman sa comment section ay mukhang aprub naman sa mga netizen kung sakali.

Sa ngayon ay parehong namamayagpag sa Primetime ang serye ng dalawa; ang "Can't Buy Me Love" ni Belle at "Senior High" ni Andrea.

Noong 2022 ay nagawa na ang "Mars Ravelo's Darna: The TV Series" na pinagbidahan ni Jane De Leon. Ang gumanap namang Valentina ay si Janella Salvador.