Inanyayahan ni showbiz columnist na si Ogie Diaz ng libreng acting workshop.ang dalawang “Linlang” stars na sina Anji Salvacion at Icidor Kobe o mas kilalang “Kice”.

Napag-usapan kasing muli sina Anji at Kice sa  “Showbiz Updates” kamakailan dahil umano sa mga hiling ng netizen na ipasok ang mga ito sa workshop ni Ogie.

Matatandaan kasing inokray na naman ng mga netizen ang aktingan ni Anji nang kumalat ang isang video clip ng kaniyang eksena mula sa “Linlang”. Pati tuloy si Kice na katambal niya sa serye ay nadamay din.

MAKI-BALITA: Anji at Kice, naokray na naman aktingan sa ‘Linlang’

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kaya naman sa pagkakataong ito, tila binubuksan na ni Ogie ang pinto para bigyan ng pagkakataon sina Anji at Kice na linangin pa ang kanilang kasanayan sa pag-arte.

“Kung gusto ni Anji Salvacion saka ‘yung si Kice. Libre ko kayong iwo-workshop. Hindi ko kayo pagbabayarin,” anyaya niya sa dalawa.

Kaso lang, ani Mama Loi, baka naman daw tumaas ang kilay ng iba at biglang itanong kung bakit si Ogie ang magwo-workshop kina Anji at Kice.

Matatandaan kasi na kamakailan lang ay kinuwestiyon ng isang netizen ang kredibilidad ni Ogie para sanayin ang mga bagong artista sa pag-arte matapos mag-trending ang video clip ng kaniyang pagpapa-acting workshop.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz ano raw ‘K’ magpa-acting workshop; sumagot sa hanash

Pero sagot ni Ogie: “Bakit naman hindi? Kasi siyempre, pinupuna ko kasi ‘yung acting nila. E, kasi siyempre, medyo ano na ako, glued. Naka-immerse na ako doon sa ‘Linlang’ na pinapanood ko sa Prime Video.” 

Nauna nang punahin ni Ogie sina Anji at Kice sa kaniyang Instagram story. Pinutakti tuloy siya ng ilang fans nina Anjie at Kice dahil tila naging harsh umano si Ogie sa binitawan komento lalo pa’t baguhan pa lang naman ang dalawa. Sino raw bang batikang artista ang hindi naging baguhan. Pero nilinaw naman ito ni Ogie at sinabing ilagay na lang umano sila doon sa ibang teleserye kung saan sila nababagay.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz, nilinaw ang puna kina Anji at Kice sa ‘Linlang’