Inihayag ng Malacañang nitong Martes, Oktubre 31, na nakasama ang Pilipinas sa “10 fastest-growing remote work hubs” sa buong mundo.

Sa ulat ng Presidential Communications Office (PCO), binanggit nito ang Instagram post ng World Economic Forum (WEF) kung saan top 7 sa listahan ang Pilipinas, base umano sa Nomad list.

Ang Nomad list ay isa umanong plataporma kung saan 10,000+ miyembro ang nag-log kung saan sila nagtatrabaho.

Mula 2018 hanggang 2022, nagkaroon umano ang Pilipinas ng +78% growth. Para sa 2023, nagtala ito ng +60% growth batay sa 10 buwang data.

Pinaos pa: Bayad ng UniTeam kay Andrew E, sinayang lang daw—Guanzon

Noong nakaraang taon, nag-post ang bansa ng +1,183% growth.

Sa listahan, niraranggo ang mga destinasyon ayon sa growth rates ng mga check-in na ginawa ng mga miyembro ng Nomad List gamit ang live data na nagsusuri ng 299,498 check-ins. Ang primary rank ay ang “most recent growth” sa check-ins.

“These growth numbers give travelers and workers an idea of the fastest growing remote work hubs and also show the current rank on Nomad List so they can gauge the popularity of the place,” saad sa ulat ng PCO.

“Nomad List finds them the best places in the world to live, work and travel as a remote worker, collecting millions of data points every second on thousands of cities around the world, from cost of living, temperature to safety,” dagdag pa nito.

Narito naman umano ang kabuuang “10 fastest-growing remote work hubs” sa buong mundo:

  1. Tokyo, Japan
  2. Danang, Vietna
  3. Seoul, South Korea
  4. Kuala Lumpur, Malaysia
  5. Penang, Malaysia
  6. Montevideo, Uruguay
  7. Manila, Philippines
  8. Hanoi, Vietnam
  9. Ho Chi Minh City, Vietnam
  10. Ljubljana, Slovenia