Nanlaki ang mga mata ng fans at netizens sa isang eksena sa Episode 11 ng patok at trending na "">Can't Buy Me Love," ang kauna-unahang teleserye nina Donny Pangilinan at Belle Mariano o mas sikat sa tambalang "DonBelle."

Sa isang eksena kasi, nag-check in sa isang hotel sina Caroline (Belle) at Bingo (Donny) para pag-isipan at maghanda para sa plano ng una sa pagtiktik sa pinaghihinalaang nagpa-kidnap sa kaniya.

Inutusan ng karakter ni Belle na maligo na si Donny, at habang naliligo ito ay dumating naman si Jersey (Chie Filomeno) na kaibigan ni Caroline, dala-dala ang ilang mga damit-panlalaki.

Paglabas ni Donny sa banyo, nakaupo na sa kama si Belle at pinalalapit siya.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Maya-maya, unti-unting hinubad ni Belle ang pang-itaas na suot na roba ni Donny, at lumitaw ang maganda nitong pangangatawan.

Ang ending, susukatin lang pala ni Belle ang isa sa mga damit na dala sa kaniya ni Chie dahil kailangang magpanggap ni Donny para sa kanilang plano.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Sooo kilig!"

"I'm not a fan of Belle and Donny but I like the story kaya lagi ko itong inaabangan."

"Kainis yung scene sa bed, napagkamalan tuloy spg scene ng papa ko 😂😂😂."

"Di ko kinaya HAHAHAHAHAHAHA ano iniisip mo Bingo?"

Ang Can't Buy Me Love ay napapanood din sa Netflix at iWantTFC, bukod sa Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.