Matatag pa rin ang presyo ng sibuyas, bawang at mga pangunahing bilihin sa bansa.
Ito ang sinabi ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Arnel de Mesa kasabay ng paniniyak na sapat pa rin ang suplay ng mga nasabing agricultural product ngayong taon.
Aniya, nananatili pa ring matatag ang presyo ng sibuyas at bawang sa mga palengke ng Commonwealth, Guadalupe, Las Piñas, Marikina, Mega Q-mart, Muñoz, Pasay, Pasig, Quinta, San Andres, Muntinlupa at Pritil, batay na rin sa daily monitoring ng Agribusiness and Marketing Assistance Service.
National
PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail
“According to our records of the average prices in September and October this year 2023, the prices range from ₱140.00 to ₱142.00 for local red onion, ₱125.00 to ₱130.00 for local white onion, ₱120 to ₱125.00 for imported white onion, ₱125.00 to ₱140.00 for imported garlic and ₱500.00 for local garlic, respectively,” dagdag pa ni De Mesa.