Isang nakalulungkot na balita ang bumigla sa mundo ng showbiz dahil sa pagpanaw ng actor-comedian na si Joey “Bekikang” Paras nitong Linggo, Oktubre 29 sa edad na 45.

Inanunsyo ng kamag-anak ni Paras, na nagngangalang Kim Cabrillas, ang pagpanaw ng aktor sa isang Facebook post.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"To all of our family and friends, we are saddened to announce that our Tito Joey Paras passed away and joined our Creator this afternoon, October 29, 2023, at 5:40 pm. Unfortunately, his heart wasn't able to recover anymore,” anang kapamilya ni Joey.

“Currently, his remains are still at the hospital's morgue. We need to settle his hospital bills for us to take him home. Our family is knocking at your kind and generous heart to help us raise a fund to cover his hospital bills.

"Kindly PM us immediate family for the bank details. Funeral arrangements will be announced further."

Hindi nabanggit ang dahilan ng pagkamatay ni Paras pero nagkaroon ito ng problema sa puso noong 2018 kung saan kinabitan siya ng CRTP device o cardiac resynchronization therapy pacemaker para tulungang tumibok nang tama at ma-monitor ang kaniyang puso, ayon sa ulat ng GMA Network.

Napanood at nakilala si Paras sa ilang mga Kapuso shows kagaya ng Sunday PinaSaya, Mulawin vs Ravena, The Last Prince, Princess in the Palace, atbp.