Tila napahugot ang award-winning Kapamilya star na si Jodi Sta. Maria matapos niyang ibahagi ang swimming lesson para sa paghahanda niya isang bagong role sa isang bagong proyekto.
Ibinahagi ni Jodi ang TikTok video ng kaniyang paglangoy sa swimming pool hanggang sa makarating ang eksena sa isang dagat.
May hashtag itong "Project Everest."
"Everyday is a hustle. Preparing for this new role was NOT easy — physically and mentally. Just because it’s hard doesn’t mean it’s impossible."
"Do I get tired? YES. Do I give up? NO. And that’s the only way to get the job done. #projecteverest soon. Thank you Direk Katski for this. 🤍," aniya pa.
https://twitter.com/JodiStaMaria/status/1718148254221963359
Mukhang sunod-sunod ang proyekto ni Jodi dahil matapos ang "Unbreak My Heart," ang kauna-unahang ABS-CBN at GMA Network collaboration sa isang serye, ay tila may bago na namang aabangan para sa kaniya.
Sa husay at dedikasyon ni Jodi sa kaniyang trabaho, marami sa iba pang stars ang bet siyang makatrabaho, gaya na lamang nina Dolly De Leon at Richard Gutierrez.
MAKI-BALITA: Dolly ‘G’ agad kay Kathryn; ibinunyag mga gusto pang makatrabahong artista
MAKI-BALITA: Richard naispire kay Coco; bet makatrabaho si Jodi, KathNiel, at DonBelle
Hindi lang sigurado kung serye ba ito o pelikula. Abangan na lang soon!