Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Davao de Oro nitong Linggo ng madaling araw, Oktubre 29, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:52 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 21 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Maragusan, Davao de Oro, na may lalim na 8 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Nabunturan, Davao de Oro.

National

Banta ni VP Sara na itatapon mga labi ni Marcos Sr. sa WPS, labag sa batas – Remulla

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.