Kontrolado na ng Commission on Elections (Comelec) ang sitwasyon sa bansa, partikular na sa Abra, kaugnay sa idaraos na Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) ngayong Lunes, Oktubre 30.

“We would like to assure the people of Abra and the entire country that the Comelec is in control, our partners in the PNP (Philippine National Police), AFP (Armed Forces of the Philippines), Philippine Army, DepEd (Department of Education), we are in full control of the situation here in Abra and the entire country,” Comelec chairperson George Erwin Garcia sa isinagawang press conference sa Bangued, Abra nitong Linggo.

Tinalakay din sa pagpupulong ang maling impormasyon, kabilang na ang mga social media post na nagsasabing isinailalim sa red category ang lalawigan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Paglilinaw ni Garcia, nasa yellow category ang lalawigan sa kabila ng napabalitang nakararanas ng pamimilit ang ilang guro kung saan 30 na sa mga ito ang nagbitiw bilang board of election inspectors (BEIs).

“Sa kasalukuyan, we are under yellow category hindi nasa red, or orange at pinasasalamatan natin ang ating provincial director at Chiefs of Police sapagkat name-maintain nila ang peace and order sa area,” sabi pa ni Garcia.

PNA