Inamin ni “Love Before Sunrise” star Bea Alonzo sa kaniyang latest vlog nitong Sabado, Oktubre 28, na hindi umano siya naniniwala sa kasal noon.

Kumasa kasi siya sa A to Z challenge kasama ang “Love Before Sunrise” co-star niyang si Andrea Torres at ang isa sa mga naitanong ay kung ano ang kanilang answered prayers.

Para kay Bea, noong nag-propose sa kaniya ang fiance na si Dominic Roque dahil lagi umano niyang ipinapanalangin na makapagsimula na siya ng pamilya.

“Pero kasi alam mo, in the past hindi ako naniniwala sa marriage,” pasubali ni Bea.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“Talaga ba?” tanong naman ni Andrea.

“Kasi napaso na yata ako. I came from broken family and, you know, siyempre ang dami ko nang napagdaanang heartbreaks. So, naisip ko, maybe it’s not for me,” paliwanag pa ni Bea.

Hanggang sa dumating nga si Dom–ang tamang tao para sa kaniya. At noon niya napagtanto na deserve din naman pala niyang matrato nang tama.

Matatandaaang nag-propose si Dom kay Bea noong Hulyo. Nagpaabot naman ng pagbati ang mga netizen at ang mga kapuwa nila celebrity.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo at Dominic Roque, engaged na!

MAKI-BALITA: Celebs, netizens nagpaabot ng pagbati sa engagement nina Bea at Dominic