Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 19 tripulante ng sumadsad na LCT Ellis Mari IV sa San Jose, Romblon kamakailan.

Sa report ng Coast Guard, dakong 8:00 ng umaga nang umalis sa Odiongan Port, Romblon ang barko nitong Oktubre 28.

Padaong na sana ang barko sa Barangay Busay, San Jose, Romblon nang biglang sumadsad.

Karga ng barko ang 40 sako ng tanner cement, 120 cubic meters ng buhangin, 120 cubic meters ng graba, at limang drum ng diesel nang maganap ang insidente.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ipinahayag pa ng PCG, tinangay ng malakas na hangin ang barko hanggang sa ito ay sumadsad.

Binabantayan pa ng PCG kung magkakaroon ng oil spill sa lugar.