Tsinika ni Rose Rivera sa isang episode ng Marites University nitong Biyernes, Oktubre 27, ang napag-usapan umano nila ni star-fashion socialite Heart Evangelista nang minsan silang magkita.

Usap-usapan kasi ang larawang ibinahagi ni Heart sa kaniyang Instagram account kamakailan kasama si “Asia’s Multimedia Star” Alden Richards para suportahan ito sa pelikula nitong “Five Break-Ups and a Romance.”

Marami tuloy ang humiling na gumawa raw sana sila ng project nang magkasama balang-araw.

Sinubukan daw tanungin ni Rose si Heart kung posible ba ang hinihiling ng madla kahit alam naman ng halos lahat na mas nakatuon ngayon ang aktres sa fashion at business. 

National

FPRRD, posibleng kasuhan ng 'obstruction of justice' dahil kay Quiboloy

“Pero sabi ni Heart, nami-miss daw talaga niya sobra ang pag-arte. So, siguro daw parang plan niya na at least once a year may magawa siya,” sabi ni Rose.

Dagdag pa niya: “Tapos, mayroon na daw siyang story line. Na nai-share na rin niya kay Alden. At ang sabi ni Alden…ang ganda. Sobra. Ang ganda.”

Pero siyempre, ang lahat daw ng iyon ay pag-uusapan pa. Kaya sana, mag-manifest umano raw ang proyekto ng dalawa sa lalong madaling panahon.

https://youtu.be/h11nMd9cS5s?feature=shared