Nasa 73.52% o 1,366 sa 1,858 examinees sa October 2023 Electronics Technician Licensure Examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Biyernes, Oktubre 27.

Sa inilabas na resulta ng PRC, nakakuha ng highest scores na may average na 95% sina Jedidiah Yandog Kosca mula sa Far Eastern University (FEU)-Alabang at Rigil Kent Dacayanan Olegario mula sa Mapua University-Manila.

Hinirang naman bilang top performing school ang FEU Institute of Technology matapos itong makakuha ng 94.34% overall passing rate.

Isinagawa umano ang naturang pagsusulit mula Oktubre 24, 2023 sa mga testing center sa National Capital Region (NCR), Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga.
National

Banta ni VP Sara na itatapon mga labi ni Marcos Sr. sa WPS, labag sa batas – Remulla