Ipinakalat na gobyerno ang 273 miyembro ng Philippine Army-6th Infantry Division (ID) sa Central Mindanao upang matiyak ang mapayapa at ligtas na pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

“They will augment Army units currently in the field for the Oct. 30 polls,” ani 6ID commander, Maj. Gen. Alex Rillera nitong Biyernes.

Ang mga nasabing sundalo aniya ay nagtapos ng Soldier Course Classes 787 at 788-2023 at sumailalim sa Infantry Orientation Course Class 04-23, sa 6ID Training School sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

"I expect you to be sturdy, hardworking, and passionate as you continue your new endeavor. I urge each of you to work with utmost commitment, and enthusiasm, and exhibit genuine professionalism,” pahayag pa ni Rillera.