Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang nawawalang mangingisda sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS).
Paliwanag ng Coast Guard District Palawan, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay ng nawawalang dalawang mangingisda, malapit sa Bulig o First Thomas Shoal na bahagi ng WPS nitong Oktubre 25.
Kaagad na ipinadala ang BRP Sindangan (MRRV 4407) sa lugar upang tumulong sa search and rescue operation.
Probinsya
6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!
Nitong Biyernes, nailigtas ng PCG ang dalawang mangingisda sa karagatang bahagi ng Palawan.
Sinabi ng PCG, bago ang insidente ay nangingisda ang FB Lantis Andrei malapit sa First Thomas Shoal, kasama ang isang maliit na bangka (dilaw) na may dalawang sakay na mangingisda.
Dakong 12:20 ng hapon, hindi na nakita ng kapitan ng FB Lantis Andreo ang nasabing bangka.
Binigyan na ng medical assistance, pagkain, at tubig ang dalawang mangingisda bago sila sunduin ng kanilang kasamahan.