Nagpahatid ng mensahe ang Kapamilya star na si Kathryn Bernardo sa anak umano ng namayapang "King of Rap" ng OPM na si Francesca Rait, nang makorner ito ng mag-asawang TV5 broadcast journalists Julius Babao at Christine Bersola-Babao.

Nabanggit kasi ni Julius na sa kaniyang naging panayam kay Francesca sa vlog na "Julius Unplugged," nabanggit ng 15-anyos na anak ni Francis M na super lodi raw niya pagdating sa looks at aktingan si Kath.

MAKI-BALITA: Francesca Rait matagal nang bet lumantad sa publiko

Hindi naman makapaniwala si Kathryn sa ibinalitang ito ni Julius. Humingi siya ng mensahe para sa bata na papasukin na rin ang mundo ng pagra-rap.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

"Gusto ka niya ma-meet," giit ng mag-asawa.

"Ah really? Maybe someday! Good luck as you enter this showbiz... Francesca, I wish you all the best!"

Payo ni Kathryn sa kaniya, "Always be kind, and then enjoy the journey lang. Yeah, I want to see you soon!"

Ibinahagi ni Francesca ang video greeting sa kaniya ni Kathryn sa kaniyang Facebook reel.