Naghahanap ng "yaya" o mag-aalaga sa kanilang anak ni Perry Choi ang aktres na si Kris Bernal, batay sa kaniyang Instagram story.

Inilista ni Kris ang 12 qualifications na hinahanap niya bilang yaya ng anak na si Hailee.

Ang 12 qualifications na hinahanap niya sa nanny ay honest, dependable, may patience at gentle sa mga baby, mahal ang magiging trabaho niya at mamahalin din si Baby Hailee, alerto at attentive, may respeto sa pribadong buhay, open at marunong matuto sa ilang mga bagay, maalam sa pag-aalaga ng sanggol, good listener, may good personal hygiene, mapagmahal sa aso, at pulido magtrabaho.

Photo courtesy: Kris Bernal (IG)

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

"Referrals only," dagdag pa niya.

Kung may mairerekomenda raw ang kahit na sino, maaaring makipag-ugnayan sa kaniya.

Wala pang updates mula kay Kris kung may nahanap na silang yaya para kay Baby Hailee.