Pinag-usapan nina DJ Jhai Ho, Ambet Nabus, Jun Nardo, at Rose Garcia sa “Marites University” nitong Martes, Oktubre 24, ang tungkol sa sagutan nina Ricci Rivero at Bea Borres sa X kamakailan.

Matatandaang may makahulugang post si Bea sa X kamakailan matapos isapubliko ni Ricci ang relasyon nila ni beauty queen at Los Baños, Laguna Councilor Leren Mae Bautista. Bagama’t walang pangalang binanggit si Bea kung sino ang tinutukoy niya sa nasabing post, pinatulan iyon ni Ricci.

MAKI-BALITA: Ricci, pinatulan si Bea: ‘Tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit?’

MAKI-BALITA: Ricci ibinunyag relasyon nila ni Leren Mae: ‘Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya’

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Ayon kay Jhai Ho, kasalukuyan umanong kumukonsulta si Bea sa abogado dahil sa sinabi raw ni Ricci laban sa aktres.

“Ang kuwento sa akin ni Bea Borres, sabi niya, when I asked her kung ano ang masasabi niya regarding Ricci na ni-namedrop siya dahil sa post niya without naming names, sabi nito, sa ngayon daw, she’s now consulting her lawyer…kasi puwede siyang magsampa ng case ng cyberlibel dahil siguro doon sa sinabing about pagiging kabit. At pinangalanan siya directly doon sa mismong tweet niya,” pagbabahagi ni Jhai Ho.

Pero wala pa naman umano si Bea sa proseso ng pagsasampa ng kaso. Nirerebyu pa lang daw ng abogado ang nasabing tweet ni Ricci.

“Sabi niya: ‘sa totoo lang naman petty lang naman ‘yung tweet and everything’. Pero kung magpapatuloy si Ricci…na magganyan pa rin doon sa X, baka talagang ituloy na ni Bea ‘yung pagsasampa ng kaso sa kaniya,” saad pa ni Jhai Ho.