Usap-usapan ang pag-flex ng tatay ng basketbolista at celebrity na si Ricci Rivero na si Ruzcko Rivero sa relasyon ng anak kay Los Baños, Laguna Councilor Leren Mae Bautista matapos niyang i-flex ang larawan nila, kasama ang isa pang anak at jowa nito.

Matatandaang kamakailan lamang ay umamin na si Ricci sa tunay na estado ng relasyon nila ni Leren Mae.

Bago ang pag-amin, usap-usapan muna ang panonod ng UAAP games ng dalawa. Pareho pa nilang flinex sa kani-kanilang Instagram stories ang litrato nila sa selfie naman ni Ruzcko.

Matapos ang pag-amin ni Ricci ay usap-usapan naman ang mga tila tirada daw ni Andrea Brillantes laban sa dating karelasyon sa pamamagitan ng Instagram stories.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Sa kaniyang Instagram post ay tila may makahulugang mensahe ang tatay ni Ricci.

"Yun naman ang hindi tutuo 😍."

"Plus, importante yung maayos na ugali at pag respeto sa mina mahal mo at hindi lang pakitang tao para mapag usapan, yun naman ang sobrang layo at yan ang sigurado ako. 👍🏼."

"May God bless you always mga anak.."

Sa comment section ay makikitang nagkomento ng tatlong heart emojis si Leren sa post na ito. Ganoon din si Ricci.

Nagpiyesta ang mga netizen sa kanilang reaksiyon tungkol dito. May mga aprub din sa relasyon nina Ricci at Leren Mae at sinabing walang masama sa kanilang relasyon at pagmamahalan dahil pareho naman silang single ngayon.

Subalit may ilang netizen din ang nagsabing "kunsintidor" daw ang ama sa kaniyang anak.

Ang sinasabing pangungunsinti raw ng ama ay ang pagpayag nito sa relasyon ni Ricci kay Leren Mae na itinuturo namang dahilan daw kung bakit naghiwalay ang una at si Andrea Brillantes.

Bagay na ilang ulit na ring pinabulaanan ng konsehala sa kaniyang posts, at naglabas na rin ng opisyal na pahayag noong kainitan ng isyu.

Nagbanta pa umano ang konsehala na puwedeng maidemanda ang mga basher at detractors na nagpapakalat ng maling paratang laban sa kaniya, lalo na sa isyu ng babaeng nakahubad na naabutan umano ni Blythe noon sa condo unit ni Ricci, na iniuugnay naman sa kaniya.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Ruzcko Rivero sa pang-ookray ng mga netizen na isa siyang kunsintidor na ama. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.

MAKI-BALITA: Leren umalma; bebot na nahuli ni Andrea sa condo ni Ricci, siya raw?

MAKI-BALITA: Tatay ni Ricci aprub kay Leren; cryptic post, pasaring kay Andrea?