Bukod sa Kapuso stars at Sparkle GMA Artist Center artists, pasabog at agaw-atensyon din ang ilang naimbitahang social media influencers sa naganap na "Sparkle Spell 2023." noong Linggo, Oktubre 22 sa Xylo at The Palace sa Bonifacio Global City, Taguig.

Talaga namang inabangan ang mga dumalong stars, at siyempre, hindi naman nagpakabog ang influencers na naimbitahan dito.

Isa na nga rito si "Sassa Gurl" na dumating na parang bulaklak at korona ng patay sa lamay. Hindi naman nasayang ang effort dahil nakahakot ng parangal ang "Mima" bilang isa sa Sparkle Star of the Night.

Nariyan din si Pipay na campaign posters naman ang peg.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

At napatawa naman ng lahat si Ice Arago, isang TikToker, na dumating na "tomador" naman ang ganap.

Anyway, hangad ng mga solid Kapuso fans na sana raw ay mapanatili pa ang mga ganitong events, kagaya na lamang ng GMA Gala.

MAKI-BALITA: Derrick atbp. todo-effort sa Sparkle Spell; Alden, parang napadaan lang daw