Nagpahayag ng simpatiya si showbiz columnist Cristy Fermin sa “Showbiz Now Na” nitong Lunes, Oktubre 23, para kay Gaile Francesca na anak umano ni Master Rapper Francis Magalona.

Matatandaang nawindang ang buong social media world kamakailan nang lumantad sa “Pinoy Pawnstar” ni Boss Toy ang ex-lover umano ni Francis M. na si Abegail Rait kasama ang anak na si Gaile.

MAKI-BALITA: Ex-lover daw, lumantad! Francis M, may anak sa labas?

“Ako ‘yung puso ko talagang ang tama talaga para sa akin, naaawa ako kay Gaile Francesca. Kasi wala po, mga kapatid, na kahit sinong bata na nakapamili ng magiging magulang niya. Kaya anong kasalanan ni Gaile?” litanya ni Cristy.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Sinang-ayunan naman siya ng kaniyang co-host na si Romel Chika hinggil dito: “Oo, kaya po pakiusap, huwag po nating isama ‘yung bata. Kasi kung tutuusin, biktima rin siya ng ganitong sitwasyon. Hindi niya pinili, hindi siya namili ng magulang, di ba.”

“At hindi niya ginusto ‘yun,” sabi pa ni Wendell Alvarez.

Hindi rin kasi nakaligtas si Gaile sa mga batikos na ibinabato ng maraming netizen dahil tila nasira din niya ang tahimik na buhay ng pamilya Magalona. 

MAKI-BALITA: Anak ni Francis M sa ex-lover, papasukin na ang showbiz?