Ipinakilala na ang Kapuso actress na si Bianca Umali bilang si "Terra," isa sa mga pinakabagong sang'gre sa nilulutong sequel ng patok na fantasy-magical series ng GMA Network na "Encantadia."

Ang sequel ay may pamagat na "Sang'gre: Encantadia Chronicles.” Ang karakter ni Bianca ay bagong tagapangalaga ng brilyante ng lupa, na tagapagmana ni "Danaya."

Sa flagship newscast na "24 Oras" nitong Martes, Oktubre 23 ay ipinakilala na nga si Bianca bilang isa sa apat na bagong aabangang sang'gres mula sa bersyon ng ni-remake na Encantadia na pinagbidahan nina Kylie Padilla, Sanya Lopez, Gabbi Garcia, at Glaiza De Castro.

Sa kaniyang Instagram post naman ay masaya itong flinex ni Bianca.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Ang kapangyarihan ng pangarap at paniniwala..."

"Sa wakas..."

"Mula sa bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa 🍂 - AVISALA!"

View this post on Instagram

A post shared by Bianca Umali (@bianxa)

Isa naman sa mga nagpaabot ng pagbati sa kaniya ay ang gumanap na "Amihan" sa kauna-unahang bersyon ng Enca na si Kapamilya star Iza Calzado.

Siyempre, nagpaabot din ng pagbati ang kaniyang nanay sa kuwento na si Sanya Lopez na siyang Danaya naman sa remake version.