Inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Martes, Oktubre 24, na 67.70% o 153 sa 226 examinees ang tagumpay na nakapasa sa October 2023 Optometrists Licensure Examination.

Sa inilabas na resulta ng PRC, kinilala si Solana Libertad Co Cua mula sa Foreign University bilang topnotcher matapos siyang makakuha ng 90.51% score.

Hinirang naman bilang top performing school ang Southwestern University matapos itong makakuha ng 88.89% overall passing rate.

Isinagawa umano ang naturang pagsusulit mula Oktubre 10 hanggang 18, 2023 sa mga testing center sa National Capital Region (NCR), Cebu, Davao, at Rosales.

Kiko Pangilinan, nanawagang imbestigahan ang ticket scalping sa bansa