Tila botong-boto si Ruzcko Rivero, tatay ng basketbolista at celebrity na si Ricci Rivero, sa relasyon ng anak kay Los Baños, Laguna Councilor Leren Mae Bautista matapos niyang i-flex ang larawan nila, kasama ang isa pang anak at jowa nito.

Matatandaang kamakailan lamang ay umamin na si Ricci sa tunay na estado ng relasyon nila ni Leren Mae.

Bago ang pag-amin, usap-usapan muna ang panonod ng UAAP games ng dalawa. Pareho pa nilang flinex sa kani-kanilang Instagram stories ang litrato nila sa selfie naman ni Ruzcko.

Matapos ang pag-amin ni Ricci ay usap-usapan naman ang mga tila tirada daw ni Andrea Brillantes laban sa dating karelasyon sa pamamagitan ng Instagram stories.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Sa kaniyang Instagram post ay tila may makahulugang mensahe ang tatay ni Ricci.

"Yun naman ang hindi tutuo 😍."

"Plus, importante yung maayos na ugali at pag respeto sa mina mahal mo at hindi lang pakitang tao para mapag usapan, yun naman ang sobrang layo at yan ang sigurado ako. 👍🏼."

"May God bless you always mga anak.."

Sa comment section ay makikitang nagkomento ng tatlong heart emojis si Leren sa post na ito. Ganoon din si Ricci.

Nagpiyesta ang mga netizen sa kanilang reaksiyon tungkol dito.

"Yung mga magulang tinatama yung mga anak hindi kinakampihan or itotolerate unless parehas kau ng gawain . Parang kasalanan pa ng iba yung kalokohan ng anak nyo ho? And there you are, jinujustify pa yung 'kasalanan na yun' -ctto."

"Happy for Cci! Support si lola susan dyan!"

"Agree. Godbless the family. Disregard other people's negative thoughts. Still God has always a better plan sa mga children. Marami pa rin nagmamahal sa kanila."

"Love you Cci and Konsi. Almost 7 years mo na akong fan, never akong bumitaw sa kabila ng mga ibinabatong isyu tungkol sayo..."

"Im Cci's fan since 2018 po. And honestly he deserves the love. And Im always proud of him for being brave and truthful to everyone. ❤️ laban Cci💪 we are always here for you."

"Kunsintidor!"

"If you're a solid fan of Ricci and you know him well as a fan, siguro maiitindihan niyo siya as a person. Lahat tayo nag kakamali sa buhay, but it doesn't make him less of a person. Deserve din niya maging masaya. Move on and let's focus nalang kung ano yung makakapagpasaya sa atin. There's too much hate in this world, sana LOVE and forgiveness naman ang papalit. 💙 Happy for you, Cci and Leren."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Andrea tungkol dito.

MAKI-BALITA: Cryptic post ni Andrea, patama kina Ricci, Leren?

MAKI-BALITA: Ricci ibinunyag relasyon nila ni Leren Mae: ‘Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya’