Iginiit ni National Security Adviser (NSA) Eduardo Año na lehitimo ang resupply mission ng pamahalaan sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ito ay kasunod ng dalawang insidente ng mapanganib na pagmamaniobra ng mga barko ng China sa nasabing karagatang nasa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas nitong Linggo ng umaga.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

"We will not be deterred and we will continue to resupply our troops in BRP Sierra Madre despite provocations," paglilinaw ni Año sa panayam sa telebisyon nitong Linggo ng gabi.

Sa video na isinapubliko ng National Task Force for the West Philippine Sea, nabangga ng barko ng China Coast Guard ang resupply boat ng pamahalaan nang tangkain nitong harangin habang patungo sa BRP Sierra Madre na nagsisilbing military outpost ng Pilipinas.

Kinondena ng United States at Canada ang China dahil na rin sa insidente.