Ginantihan ni social media personality Mona Alawi ang kapatid niyang si Ivana Alawi sa kaniyang ">latest vlog noong Linggo, Oktubre 22.

Matatandaan kasing ‘pinaiyak’ muna ni Ivana si Mona bago niya ibigay ang Ford Territory bilang birthday gift sa huli.

MAKI-BALITA: Mona, ‘pinaiyak’ muna ni Ivana bago binigyan ng bagong kotse

Para makabawi, pinrank ni Mona ang kaniyang ate nang ipakilala niya rito ang isang lalaking nagngangalang “Lebron Mike” bilang boyfriend niya.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Tila nagtagumpay naman si Mona dahil bago sumalang si Lebron, sinabihan na niya ang huli na pakitaan si Ivana ng mga katangiang ayaw na ayaw nito sa isang lalaki gaya ng pagiging mayabang at maarte.

Kaya pagdating sa bahay nina Mona, agad na umasta nang hindi kanais-nais si Lebron. Hindi siya kumain nang nakahaing steak dahil nagge-gym umano siya at strict ang diet. Sinabi rin niya na pinag-aagawan daw siya ngayon sa showbiz.

Nagsimulang mabanas si Ivana nang ipagpaalam ni Lebron si Mona para pumunta umano sa Hong Kong at mag-stay doon ng 2-3 days nang silang dalawa lang.

Nagpanting pang lalo ang tenga niya nang matuklasang jowa na pala ni Mona ang lalaki. Tila nagulat ang aktres sa bilis ng mga pangyayari.

“Paano ko naman siya ipapakilala sa ‘yo? E, lagi kang walang oras; lagi kang busy,” sumbat ni Mona.

“E, ba’t parang kasalanan ko?” tanong ni Ivana.

“Hindi naman sa sinasabi na kasalanan mo. Pero ang hirap din ‘yung sinisisi mo ako na ngayon ko lang siya pinakilala. Pa’no ko siya ipapakilala sa ‘yo? Lagi kang nasa taping; lagi kang pumupunta ng ibang mga bansa or out of town. Tapos, ngayon halatang badtrip ka–”

“Hindi ako badtrip, Mona. Gusto ko lang matulog kasi pagod ako sa taping,” biglang agaw ni Ivana sa nagsasalitang si Mona. 

Matapos ang ilan pang pag-uusap, nagdesisyon na si Ivana na magpaalam sa mga nasa hapag para pumunta sa kwarto niya at matulog. 

Noon na siya sinundan ni Mona para i-reveal sa kaniya na prank lang ang lahat. Napamura na lang tuloy ang aktres at sinabi pang alam niya umanong pina-prank lang siya para hindi masyadong mapahiya.