Inamin ng sinasabing anak ni Francis Magalona na si "Gail Francesca Rait" na matagal na niyang gustong lumantad sa publiko at ibahagi ang kaniyang talento sa musika, na namana niya sa kaniyang namayapang ama.

Nangyari ito sa naging panayam ni TV5 broadcast journalist Julius Babao sa kaniyang vlog na "">Julius Unplugged" noong Oktubre 21.

Kinumusta ni Julius si Francesca matapos ang pasabog na paglantad nila ng ina sa "Pinoy Pawnstars" ni Boss Toyo.

"I've been doing well... there are a lot of mixed emotions, pero I'm handling it well naman po," sagot ng 15-anyos na dalagita.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Ito bang paglabas mo publicly, was this something na gusto mo talagang gawin?" sundot pa ni Julius.

"Yes," walang gatol na sagot niya.

"Bakit?" sundot na tanong ni Julius.

"Kasi po when I was a little kid, I really was interested to singing, dancing, and I really wanted to be an artist po," paliwanag ni Francesca.

Inamin din ni Francesca na isa siyang fan o ina-idolize niya si Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo.

Nabanggit ng kaniyang inang si Abby na sasabak na rin si Francesca sa showbiz soon. Hindi raw sinasadya na mauna silang mailantad sa vlog ni Boss Toyo dahil anytime soon ay lalabas naman talaga si Chesca para nga "sundan" na rin marahil ang yapak ng ama.

MAKI-BALITA: Anak ni Francis M sa ex-lover, papasukin na ang showbiz?