May pa-cryptic post ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes sa kaniyang Instagram account nitong Linggo. Patama kaya ito sa kaniyang dating boyfriend na si Ricci Rivero at bago nitong girlfriend na si Los Baños, Laguna Councilor Leren Mae Bautista?

Shinare kasi ni Andrea ang IG post niya sa kaniyang IG story, nakalapat ang background music na “Hasta Cuando” ni Kali Uchis kung saan tampok ang mga makahulugang lyrics:

“Whatever makes you feel better paint me as the villain if that makes you feel better. Make everyone hate me if that makes you feel better. Whatever makes you feel better. Your girl talks shit about me just to feel better. About the fact that you're still obsessed with me years later."

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Matatandaang isinapubliko na ni Ricci ang relasyon niya kay Leren na bagama’t noong una ay pinabulaanan pa ng huli ang palagay ng marami sa romantic involvement nito kay Ricci matapos makipaghiwalay kay Andrea.

MAKI-BALITA: Ricci ibinunyag relasyon nila ni Leren Mae: ‘Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya’

MAKI-BALITA: Leren Mae Bautista, nagsalita na hinggil sa umano’y ‘romantic involvement’ kay Ricci Rivero

Hindi tuloy naiwasang makatanggap ng batikos at puna si Leren mula sa mga netizen. Pati si Ricci ay binanatan sa X post ng nakapangalang account kay Bea Borres. 

MAKI-BALITA: Matapos ilantad ni Ricci: Leren Mae, nakipagbardagulan sa bashers

MAKI-BALITA: Ricci, pinatulan si Bea: ‘Tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit?’