Ibinahagi ng dalawang “Gwapings” member na sina Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuoso ang ilan sa kanilang hindi magandang karanasan sa fans.

Dinudumog daw kasi talaga sila noon sa mga event. Premiere nights, halimbawa. Kaya may mga pagkakataong na feeling nila, kasing-sikat sila ng bandang “Beatles”.

“May mga negative kasi na pangyayari, hindi maganda like ‘yung sasabunutan ka,” kuwento ni Eric.

“Anong ginagawa n’yo n’on ‘pag halimbawa bigla ka na lang sinasabunutan? Tanong pa ni Tito Boy.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Wala, e. Wala,” sagot pa ni Eric.

May pagkakataon pa nga raw na tila piniga ng fan ang balls ng isa pang miyembro ng “Gwapings” na si Jomari Yllana.

“May time si Jomari, si Jomari hawak siya ng mga pulis dahil may hawi boys, di ba? Hawak si Jomari dito [kaliwang bahagi], hawak si Jomari dito [kanang bahagi]. Pumapalag si Jom. ‘Bitawan n’yo ako, bitawan n’yo ako’. Kasi [mayroong] tao na hinahawakan naman siya ganoon [itinaas ang kamay na parang may pinipitas],” sabi pa ni Eric.

Pati ang aktres na si Carmina Villaroel hindi nakaligtas sa harassment. Kuwento ni Mark: “One time, naalala ko si Carmina [Villaroel]…parang nahipuan siya ng isang fan. Tapos, medyo in-apprehend namin. Kasi part siya ng “Gwapings” movie noong time na ‘yun, e.”